Pangunahing Problema : KAHIRAPAN
ni Gabriella L. Sumaya
Ang kahirapan ang isa sa mga problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng ating mga pinuno ng ating bansa, pero ang tanong, sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila nasa katamaran ang kahirapan. Marami ang mga taong walang trabaho ngunit marami naman ang trabahong nakalaan sa kanila. Mas pinili pa nila ang makaupo at manlimos kaysa magpakapagod sa trabaho. Ang katangiang ito na ipinapakita ng mga tao ay syang nagdala sa atin ng kahirapan.
Bukod sa katamaran, may iilang dahilan din kaya tayo naghihirap. Isa na dito ang corruption. Ito ang malalang problema bago pa naging presedente si Rodrigo Roa Duterte. Ang pera sana na para sa kapakanan ng bayan ay napunta lang sa bulsa ng mga iilang may kapangyarihan sa pamahalaan. Maituturing itong kanser sa lipunan na sanhi ng kahirapan. Ang pananakop ng ilang bansa sa atin ang syang dahilan din ng ating kahirapan. Ang mga bansang ito ay nag-iwan ng masasamang impluwensya sa ating bansa. At ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino ang syang nagtulak ng mga bata na manglimos sa kalye. Dahil sa mga batang ito, ang ating bansa ay kaawa-awa. Ibat-ibang maruruming mukha ng mga tao ang nakatambay sa daan/kalye mang hingi lamang ng pera para makakain. Problema talaga ito sa atin bansa.
Kaya sana maaksyunan na ito ng ating bagong presidente. Upang ang ating bansa ay aahon na dito. Hindi lang ang ating mga mamumuno ang magbago, dapat tayong lahat din. Alisin na natin ang masasamang gawi at tulungan ang bansa na malutas ang problema. Ang kaunlaran ay nakasalalay sa ating mga Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento