ni Jobert Tamala
Putok ng baril, baha ng dugo, hagulhol ng mga tao at naging laman ng mga balita sa telebisyon, radyo at mga pahayagan patungkol sa mga taong napapatay dahil sa ilegal na droga. Naging makatwiran ba ang mga ito? Sadya nga bang ito'y nakakagimbal o nakkapagpapasaya sa atin? Hanggang kailan kaya ito matatapos?
Isa sa sampung utos ng Panginoon ang "Huwag pumatay" at para sa akin hindi ito mahirap sundin sapagkat tayo'y may puso na nakakaramdam ngkonsesiya. Nagkaroon tayo ng karapatang pantao na nagsasaad na tayo ay may karapatang mabuhay at pangalagaan at pahalagahan ang sariling buhay at maging sa iba. Pero masdan mo ang mga pangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan tayo ay nababalot ng tagumpay kapalit ay ang labis na kasawian. Tagumpay dahil unti-unti nang nawawala ang mga krimen at droga sa ating bansa at labis na kasawian dahil tayo ay bigong pahalagahan ang buhay ng iba. Oo, sila ma'y may nagawang kasalanan pero naging malupit ang naigawad na hatol sa kanila imbes na ang pagkulong kamatayan ang kapalit. Hindi ang pagpatay ang solusyon kundi ang pagsugpo ng kahirapan na siyang puno't dulo kung bakit nagawa nilang magbenta ng ilegal na droga para pangtustos sa kanilang pamilya na gawain ng gobyerno. Pagkatapos mapatay ang mga taong ito paano na ang kanilang pamilya, hahayaan nalang ba silang nakabaon sa hirap hanggang sa sila'y mangalawang? paano na ang mga batang natigil sa pag-aaral? Hindi ibig sabihin na itigil ang pagpatay at ipagpatuloy ang pagbenta kundi itigil ang pagpatay at sila'y bigyan ng sapat at permanenteng trabaho.
Karapatan at klayaan natin ngayo'y nakakadena't nakakulong at kahit ang planong pag-alpas ay hindi magawa. Tanging pagbabago lamang ang kinakailangan at dasal sa makapal.
Karapatan at klayaan natin ngayo'y nakakadena't nakakulong at kahit ang planong pag-alpas ay hindi magawa. Tanging pagbabago lamang ang kinakailangan at dasal sa makapal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento