CORRUPTION

Biyernes, Nobyembre 18, 2016

KAPIRASO


 sa Direksyon ni Nelly Rose L.Venturina

Sypnosis :
     Namulat si Rosalia sa mundo na puno ng kahirapan at pasakit . Ang kaniyang kaanyuan na kakaiba kumpara sa mata ng karamihan ang nagpapahirap sa kanya. Minamaliit siya ng lahat kabilang na dito ang kaniyang pamilya na dapat sanay nagpapalakas ng kaniyang loob sa kabila ng mga hirap at pasakit ng buhay. Tanging busilak ng kanyang puso ang nagbigay liwanag sa madilim na realidad ng kanyang buhay. Isang araw habang siyay naglalakad sa isang madilim na kalye ay napagkatuwaan siya ng isa sa mga grupo sa kanilang paaralan. Mabuti nalang at may nagligtas sa kaniyang isang matandang babae at doon ay dinala siya sa bahay ng matanda. May ipinagkaloob sa kanya ang matanda isang majika na nagtataglay ng kapangyarihan na kung saan ay nagpapaganda sa pisikal na anyo. Bago pa amn naibigay ng matanda may babala na siyang binitawan at ito ay ang hindi pag-abuso sa kapangyarihang taglay ng majika, maaari ring magdudulot ito ng labis na parusa  at mangyayari lamang ang kanyang magbabago ng anyo ay tuwing gabi lamang. Agad umalis si Rosalia at ito'y ginamit niya at tamang-tama gabi narin. Nakita niya ag kinalabasan at labis ang ang kanyang kasiyahan. Lumipas ang ilang araw napagtanto niyang mas mabuti kung lalabas siya tuwing gabi at humanap ng mga kaibigan para may kasabay siya sa kanyang gala at ginawa niya iyon. Gabi-gabi umaalis siya ng bahay at pumupunta sa mga pagdiriwang, bar, beerhouse at iba pang kung saan karaniwang nagpupunta ang kanyang mga barkada, doon sila'y umiinom at nagsisigarilyo. Isang gabi hindi namalayan ni Rosalia na may nakakita pala sa kanya sa kanyang pagbabago ng anyo at iyon ay si Akil ang kanyang kababata at masugid na manliligaw kahit sa kanyang kalagayan. Nakiusap siyang huwag ipagsasabi ang lahat kapalit ang kanyang sarili, pero tumanggi si Akil. Hiniling nalang ni Akil na tumigil siya sa kagagala at labis na pag-inom ng alak pero ayaw ni Rosalia tumigil. Sa mga pinanggagawa ni Rosalia nararamdaman na ng majika ang kasakiman nito at nangyari ang parusa sa isang bar kasama ang kanyang mga barkada, biglang nag-iba ang ang anyo ng katawan at mukha nito sa gitna ng kasiyahan. Hindi matiis ni Rosalia ang kahihiyan at tumakbo patungo sa bahay ng matanda at doon ibinuhos niya ang kanyang galit. Hindi nagpakita ang matanda sa kanya kaya't umuwi siyang bigo. Lumipas ang ilang araw siya'y nagsisi at nagtungong muli sa matanda at humingi ng tawad. Naramdaman ulit ng matanda ang busilak nitong puso kaya't binigyan siya ng panghabang-buhay na kagandahan at binigyan ng isang basbas na siya'y tatanggapin ng lahat. Pagdating ay tinanggap na ni Rosalia ang pag-ibig ni Akil. Kaya't nang lumaon sila'y namuhay ng masaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento