CORRUPTION

Miyerkules, Nobyembre 9, 2016





Ang Pag-aabuso ng Bawal na Gamot sa Buhay ng Isang Kabataan 
ni: Jessa MAe Tillo


Isa sa pinakamatinding hamon na kinakaharap ng ating bansa ay ang illegal na droga. Isa itong malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay na mawawasak kundi ang respeto din ng ibang mga tao.


Sa tingin ko, dapat mabigyan na ito ng pansin ng gobyerno. Sapagkat, hindi lang ang pisikal na kaanyuhan mo ang sisirain nito kundi pati na rin ang buong katauhan mo , magdudulot rin ito ng karagdagang problema sayo at sa mga taong na sa paligid mo dahil sa epektong hatid ng drugang ito . Ang pag-inom ng mga ipinagbabawal na gamot tulad ng coccaine, marijuana, at shabu ay lubusang nakasasama lalo na kung sobra ang paggamit dahil sa may mga chemical ditong nakahalo na siyang dahilan kung bakit may mga taong nagiging adik dito at hindi na ito magawang iwan, may iba rin naman na gusto ng matigil ang kahibangan nila rito kaya sila ay sumasailalim sa rehabilatation kung saan babaguhin ang mali mong gawain at susubukang bumuo ulit ng panibagong yugto sa iyong buhay . Masakit kong isipin na dahil dito may mga kabataan ng nasisira ang kinabukasan kaya habang may panahon pa at oras upang magbago ito sana ay mabigyan na ng agarang solusyon nang sa ganun, kahit papaano ay matapos na ito.  Ang ilan ding dahilan ay ang curiosity, peer pressure, pagrerebelde at pamilyang nagkawatak-watak at dahil dito nag-uudyok ito ng kasamaan. Ang kasalanang ito wala itong magandang idinudulot sapagkat sinisira ang inyong buhay . Mga pares ng pulang mata, maruming pangangatawan, tulala at parating tahimik ito ang ilan sa mga senyales na ang isang tao ay nalulong sa droga . Maging mayaman man o mahirap ay pareha pa rin ang epekto nito sa ating buhay. Ang ating kabataan ngayon ay ibang-iba na kung ikukumpara noon lubhang naeenganyo na sila gawin ang mga illegal na gawain at mabibilang nalang ang kabataan na gumagawa ng mabuti. Ngayon ang kabataan ay lulong na sa maraming bisyo katulad nalang ng droga, ang masaklap pa nito hindi lang kalalakihan pati na din ang kababaihan at dinadamay na pati ang mga bata ay lulong na rin sa ganitong bisyo.


Sabi nga nila “Tayo ang Pag-asa ng ating bayan” dapat tayo ay magmulat sa realidad ng ating buhay ipakita natin sa mga tao na karapat dapat tayong ihemplo sa mga susunod na henerasyon kaya sana sa pagtakbo ng oras at paglipas ng panahon hindi nalang sana lalong dumami ang bilang ng tao na lulong sa droga . Bigyan nating ng pansin ang isyung ito para sa kinabukasan at kabutihan nating lahat .




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento