DROGA ni:Ruby Eusebio
Ang droga ay isang bawal na hindi karapat dapat ipagbili, Dahil itoy nakakasira ng isipan at buhay ng tao. Ang paggamit nito ay ipinagbabawal sa harap ng publiko o ng isang gobyerno , dahil wala itong magandang maiidudulot sa mga tao.Ang pagbabawal ng droga ay isang batas na kailangan sundin at bigyang pansin upang ang mga tao ay may magandang kinabukasan at tuloy -tuloy ang maayos nilang pamumuhay. Kaya para sa akin ang droga ay hindi bigyan ng pansin at huwag gumamit nito dahil itoy nakakasisira sa katawan ng tao o nagdudulot ng masamang epekto sa utak ng tao at nakakapagbabago ng isipan.Maraming namamatay sa paggamit ng droga , gaya na lamang dito sa ating bansa maraming na nahuhuli dahilan dito. lalo na sa mga kabataan na gumagamit nito dahilan sa pagimpluwensiya ng mga tao sa kanilang paligid, marami ng nasisira ang kinabukasan dahil dito.At dapat hindi tayo magpapadala sa tukso ng ating masasamang kaibagan dahil itoy masamang gawain at kailangan alam mo ang tama at maling gawain.
Kaya dapat droga itapon, gulay kainin,at para makamit ang magandang mithin .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento