CORRUPTION

Biyernes, Nobyembre 18, 2016

Resulta ng larawan para sa isang piso at isang daang piso

Isang piso o sandaang piso?
ni: Bian Ingrid Monilla

             Mga matang nandidilat sa dilim, mga tiyan na walang laman, mga kamay na nanginginig umaasa sa umagang darating. Paano na ang kanilang buhay? Sa barya na lamang ba sila umaasa? Sa isang piso? o sa sandaang piso?

             Kahirapan ang isa sa mga problemang hinaharap ng ating bansa ngayon. Maraming mga palaboy na bata at kahit matanda sa kalye na humihingi ng barya. Ito ba'y dahil sa estado ng kanilang buhay o dahil sa katamaran lamang? Bawat isa sa atin ay may mga determinasyon sa ating kinalalagyan. Ang iba nga, kahit anong hirap ng buhay ay patuloy pa ring kumakagayod para matugunan ang pangagailangan. Dahil dito, hindi lang isang piso ang ating makukuha kundi maraming sandaang piso na makikita sa ating bulsa.

              Dugo, pawis at oras lamang ang ating puhunan pero bakit patuloy pa rin silang umuupo? Naghihintay sa umaga ng kadiliman at isinisi sa iba ang kanilang kalagayan. Tayo ay may pantay-pantay na karapatan. Nasa sa atin nakasalalay ang ating kapalaran. Hahayaan na lamang ba natin ang panahon? Sana hindi! Mamulat tayo sa katotohanan na walang sino man ang makakatulong sa atin kundi ang ating mga sarili. Wala tayong makamit kung tayo'y maghihintay ng himala bagkus nasa sa atin ang himala. Nasa kamay nating ang pag-asa at kapangyaring magdikta sa ating hinaharap.

             Isang piso? o sandaan? Syempre, sandaang piso. Maging praktikal tayo sa panahon ngayon. Ibukas natin ang ating mga mata. Huwag nating isara ang ating puso't isipan. Gamitin natin ang ating mga kamay. Ilakbay natin ang ating mga paa sa paraiso ng kaligayahan. Huwag nating hayaan ang panahon na sirain ang ating kinabukasan. Gumawa tayo ng paraan---kaya natin! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento