Katok tungo sa bagong buhay ni Nelly Rose Venturina
Isa na rito ang isyung tinututukan ng ating bagong Presidenteng si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na pinag iigting ang kumpanya sa operasyong oplan tokhang.
Magmula ng naiupo sa pwesto si Presidente Duterte ay ipinangako niyang babaguhin niya ang takbo ng ating bansa. at sisimulan niya sa pagtapos sa ilegal na droga. malamang higit sa karamihan dito sa ating bansa ay naimpluwensyahan na ng ilegal na droga, bata man , matanda, lalaki o babae ay walang takas sa suliraning ito.kaya naman napakalaking tulong nito sa nakararami lalong lalo na sa mga users at pushers na magbagong buhay . Ang oplan tokhang ay isang malumanay na pakikiusap sa paraan ng pagkatok sa mga bahay ng mga nasa listahan ng pulisya . Kinakausap nila ang mga ito na sumuko na at magbagong buhay.Sa kasalukuyan ay umabot na ng 114,833 drug suspects ang sumuko dahil sa kadahilanan na nadala ng takot,at gusto nilang mag bagong buhay at ang iba ay may napakalaking respeto sa ating presidente.
Isa itong paraan na naibigay sa kanila upang mabago ang kanilang kinagawian na sumira sa kani-kanilang buhay at nabigyan sila ng pag-asa mula sa madilim at pait na realidad ng ating bansa.
Ayon kay PNP Chief Bato Dela Rosa ipinapangako ni Presidente Rodrigo Duterte na ibinibigay nya ang kanyang kasiguraduhan sa pagsuporta sa mga pulisya at ipagpapatuloy nila kontra droga . Gagamitin nila ang lahat ng kanilang kaalaman at nalalaman upang sugpuin ng tuluyan ang ilegal na droga sa ating bansa.
Isang napakagandang pagkakataon na naibigay sa ating bansa dahil sa wakas ay nabigyan na ng liwanag ang ating bansang dati ay nilamon na ng isyung ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento