CORRUPTION

Lunes, Nobyembre 28, 2016

  Resulta ng larawan para sa kalikasan



                                          KALIKASAN:ni Norkima Tiago


                  Ano nga ba ang halaga ng kalikasan sa buong sang katauhan?
Marami sa atin ang siyang hindi nakaka pansin sa importansyang o ang halaga na naibibigay sa atin ng kalikasan.Ang kalikasan ang siyang pangunahing nagbibigay buhay sa atin,sapagkat dito nanggagaling ang siyang ikinabubuhay natin araw araw,kagaya na lamang ng karne na ating kinakain, mga halaman o gulay, at palay na siyang pangunahing kailangan ng tao at marami pang iba.Kalikasan rin ang siyang nagbibigay buhay sa ating kapaligiran.Napakahalaga na ating alagaan ang ating kilikasan dahil itoy nilikha ng diyos na kagaya natin na siyang kanyang nilikha rin.
               
                  Ngunit sa kabila ng mga kahalagahan na nabibigay ng kalikasan sa atin, bakit marami pa ring umabuso rito?Bakit marami paring ang mga taong gumagawa na mga bagay na siyang nagiging dahilan sa pagkasira nito?Ang dating napakagandang kapaligiran ay unti unti ng naglalaho na siyang napapalitan ng napakaruming kalikasan .Tayong mga tao ang siyang dapat na nangangalaga hindi siyang sumisira nito.    

Linggo, Nobyembre 27, 2016

Ang pag tigil Sa DROGA

 Ni; Shintaro Motoki


              Ang Droga ay nakaka tulong sa mga ibang tao..pero pag ito ay inaabuso..nakakasira ito ng buhay ng isang tao.Ang rason kung bakit nagagamit ang tao ng droga ay....sa stress..sa mga barkada...,para ma iwasan ang droga dapat ang isang tao ay dapat dinadamihan ang komyunikasyon,nakaka tulong ang komyunikasyon dahil.makakalabas ito ng mga saloobin at nakaka bawas ito ng stress at kapag maraming komyunikasyon sa ibang tao nakakagaan ito sa sarili at nakaka relax ito...At ang isang pang paraan ng pag iwas ng mga droga ay sa pagpananatili sa bahay at damihan ang kaalaman sa education.

          

Food Blog





Brown Butter Sage Chicken Recipe






INGREDIENTS:

  • 2 manok bubelya na may balat sa
  • 2 tablespoons lamog unsalted butter
  • ½ kutsara tinadtad sariwang sage
  • 1 sibuyas bawang, tinadtad
  • asin at paminta

TAGUBILIN:



  1. Painitin muna oven sa 400F.
  2. Sa isang maliit na mangkok, ihalo ang mantikilya, sambong, at bawang.
  3. Mantikilyahang pakapal ang mantikilya timpla sa ilalim at sa ibabaw ng balat ng manok. (Butter ay matunaw at brown sa hurno, na gagamitin mo upang hilbanahin ang manok bago serving!)
  4. Season liberally may asin at paminta sa magkabilang panig at inihaw sa hurno para sa 25 minuto, hanggang sa ganap na luto. Paglilingkod na may maple glazed karot o iyong mga halaman ng choice.


Pag tigil ng droga

     NI; Selvester Sonjeco
 

        Matitigil pa ba itong druga ,para sa akin ay maitigil pa ito sa pamamagitan ng pag tutulongan ng pamilya katulad na lang ng pag bibigay ng mabuting atinsyon.
       At para sa mga magulang , dapat din  nating bigyan ng pansen ang mga kabataan ng saganon ay maramdaman nila ang pagmamahal.at higit sa lahat ay wag nating hayaan na gumamit ng masasama sa kanila dahil kong,hahayaan natin sila, wala silang maabot na pangarap

Lunes, Nobyembre 21, 2016

DROGA AY LABANAN ! Ni Aldrin Kenneth Viernes


Resulta ng larawan para sa droga



                                                           DROGA AY  LABANAN      
                                                            ni  Aldrin  kenneth  Viernes            
                                   
 

                     Isa sa pinakamatinding kinakaharap ng bansa ay ang illengal na droga.
      billiong-billiong mga tao ang nasisira ang mga buhay maraming namamatay,maynakukulong
      at nasisira ang mga isipan dahil lamang sa illegal na droga. dapat ay bigyan ng pansin ng ating
      gobyerno ito, dadil nasisira ang kinabukasan ng isang tao lalong lalo na ang mga bata, dahil
      maaraming mga bata na ngayon ang gumagamit ng droga. kahit mga bata sila dahil sa mga 
      magulang na kulang ng paalala.dapat ay tulong tulong ng mga mamayan at gobyerno ay dapat
      sugpuin ito hindi sa pamamagitan ng patayan, daapat ay kausapin ito at bigyan ng pag kakataon
      na mag bagong buhay ang lahat.dahil walang perpektong tao sa mundo dapat makaisa tayo sa
      maunlad ng bansa thank you!!!
     










Biyernes, Nobyembre 18, 2016



          Ang pelikulang ito ay nangyari sa isang matandang unibersidad. Si Diana ay isa mga estudyanteng nag-aaral sa Unibersidad ng Mati. Marami siyang pinagdaanan sa kanyang buhay. Isang araw, may problema siya sa kaniyang pamilya na nagdulot ng kaniyang masamang desisyon. Nangyari ang lahat ng trahediya sa loob ng banyo ng unibersidad. Binatay niya ang kaniyang sarili na nadulot ng kaniyang kamatayan. 

        Simula ng pangyayaring yun, marami ng hindi kanais-nais na nagyari sa uinibersidad. Gabi-gabi may babaeng nagpapakita sa banyo na pinangambahan na ng karamihan. Isang araw, si Joan ay baguhan sa unibersidad. Gumamit siya ng banyo at may naramdaman siyang kakaiba. Parang may bagay na nakalagay sa kaniyang ulo. Nung tumingala siya, nakita niya ang mga paa ni Diana. Doon niya nalaman na may babae palang nagpakamatay sa banyo na iyon. 

Directed by: Bian Ingrid Roque
Camera Man: Davao Seojales
Script Writter: Ruby Eusebio
Cast:
Charmie Dy bilang Diana
Jessa Tillo bilang Joan
Rascal Tambilawan bilang Manong Guard
Aldrin Viernes bilang Mag-aaral
Norkima Tiago bilang Titser
Jessa Mailwas bilang Mag-aaral

Resulta ng larawan para sa isang piso at isang daang piso

Isang piso o sandaang piso?
ni: Bian Ingrid Monilla

             Mga matang nandidilat sa dilim, mga tiyan na walang laman, mga kamay na nanginginig umaasa sa umagang darating. Paano na ang kanilang buhay? Sa barya na lamang ba sila umaasa? Sa isang piso? o sa sandaang piso?

             Kahirapan ang isa sa mga problemang hinaharap ng ating bansa ngayon. Maraming mga palaboy na bata at kahit matanda sa kalye na humihingi ng barya. Ito ba'y dahil sa estado ng kanilang buhay o dahil sa katamaran lamang? Bawat isa sa atin ay may mga determinasyon sa ating kinalalagyan. Ang iba nga, kahit anong hirap ng buhay ay patuloy pa ring kumakagayod para matugunan ang pangagailangan. Dahil dito, hindi lang isang piso ang ating makukuha kundi maraming sandaang piso na makikita sa ating bulsa.

              Dugo, pawis at oras lamang ang ating puhunan pero bakit patuloy pa rin silang umuupo? Naghihintay sa umaga ng kadiliman at isinisi sa iba ang kanilang kalagayan. Tayo ay may pantay-pantay na karapatan. Nasa sa atin nakasalalay ang ating kapalaran. Hahayaan na lamang ba natin ang panahon? Sana hindi! Mamulat tayo sa katotohanan na walang sino man ang makakatulong sa atin kundi ang ating mga sarili. Wala tayong makamit kung tayo'y maghihintay ng himala bagkus nasa sa atin ang himala. Nasa kamay nating ang pag-asa at kapangyaring magdikta sa ating hinaharap.

             Isang piso? o sandaan? Syempre, sandaang piso. Maging praktikal tayo sa panahon ngayon. Ibukas natin ang ating mga mata. Huwag nating isara ang ating puso't isipan. Gamitin natin ang ating mga kamay. Ilakbay natin ang ating mga paa sa paraiso ng kaligayahan. Huwag nating hayaan ang panahon na sirain ang ating kinabukasan. Gumawa tayo ng paraan---kaya natin! 

MAGKAIBANG MUNDO

Sa direksiyon ni: Ella Rose Sabillo

 Jonas Cuevas nag-iisang anak ng isang maimpluwensiyang pamilya sa kanilang lugar, heart-throb, cold at lahat ng mga babae ay nahuhumaling sa kanya. Hanggang dumating sa kanyang buhay si Erin Elizalde.
Isang pagkakamali ang mapalapit sa kanya. Hindi dapat siya mapalapit sa kanya. Nilalabanan ni Jonas ang kanyang sarili dahil walang halaga ang kanyang atraksiyon na naramdaman. Dahil magkaiba sila, makaibang mundo sila,
Para sa kaniya isa lang itong laro. Isang pagpapanggap ang pagmamahal kaya illegal ang naramdaman ng "constant attraction" para sa isang babaeng hindi niya gaanong kilala.
Bata pa lang ay namulatna siErin sa tatlong bagay lang ang kailangan sa buhay: pera, bahay, at pamilya.Namuhay siyang mahirap sa loob ng maramingtaon at ngayon bente na diya at hindi iyong nagbago.
Erin Elizalde, ang pananamit at parang manang, nerd at libro lang ang inatupag dahil mahalaga ang pag-aaral sa kaniya at skolar siya ng Algeria Uneversity College, paaralan ng mga mayayaman.
Ang pader na pilit niyang itinayo ay nawasak.
Come on! Jonas Cuevas! sino ang iyong niloko? babaeng pangit, nerd at manang ang iyong magugustuhan?
Paano na ang pangalan ng iyong pamilya kung mapupuntaa sa hindi kilala at walang mapagmamalaking pamilya?
Isa bang pagkakamali ang magmahal?
Ano nga ba ang gagawin ni Jonas kung ang magiging hadlang sa kaniya ay ang kanyang pamilya, at ang mundong kanilang gianagalawan. Mayaman ang Cuevas, mahirap lamang ang mga Elizalde.
Maging happy ending pa kaya kung sa simula't simula ay magkaiba na ang yong mga mundo?

KAPIRASO


 sa Direksyon ni Nelly Rose L.Venturina

Sypnosis :
     Namulat si Rosalia sa mundo na puno ng kahirapan at pasakit . Ang kaniyang kaanyuan na kakaiba kumpara sa mata ng karamihan ang nagpapahirap sa kanya. Minamaliit siya ng lahat kabilang na dito ang kaniyang pamilya na dapat sanay nagpapalakas ng kaniyang loob sa kabila ng mga hirap at pasakit ng buhay. Tanging busilak ng kanyang puso ang nagbigay liwanag sa madilim na realidad ng kanyang buhay. Isang araw habang siyay naglalakad sa isang madilim na kalye ay napagkatuwaan siya ng isa sa mga grupo sa kanilang paaralan. Mabuti nalang at may nagligtas sa kaniyang isang matandang babae at doon ay dinala siya sa bahay ng matanda. May ipinagkaloob sa kanya ang matanda isang majika na nagtataglay ng kapangyarihan na kung saan ay nagpapaganda sa pisikal na anyo. Bago pa amn naibigay ng matanda may babala na siyang binitawan at ito ay ang hindi pag-abuso sa kapangyarihang taglay ng majika, maaari ring magdudulot ito ng labis na parusa  at mangyayari lamang ang kanyang magbabago ng anyo ay tuwing gabi lamang. Agad umalis si Rosalia at ito'y ginamit niya at tamang-tama gabi narin. Nakita niya ag kinalabasan at labis ang ang kanyang kasiyahan. Lumipas ang ilang araw napagtanto niyang mas mabuti kung lalabas siya tuwing gabi at humanap ng mga kaibigan para may kasabay siya sa kanyang gala at ginawa niya iyon. Gabi-gabi umaalis siya ng bahay at pumupunta sa mga pagdiriwang, bar, beerhouse at iba pang kung saan karaniwang nagpupunta ang kanyang mga barkada, doon sila'y umiinom at nagsisigarilyo. Isang gabi hindi namalayan ni Rosalia na may nakakita pala sa kanya sa kanyang pagbabago ng anyo at iyon ay si Akil ang kanyang kababata at masugid na manliligaw kahit sa kanyang kalagayan. Nakiusap siyang huwag ipagsasabi ang lahat kapalit ang kanyang sarili, pero tumanggi si Akil. Hiniling nalang ni Akil na tumigil siya sa kagagala at labis na pag-inom ng alak pero ayaw ni Rosalia tumigil. Sa mga pinanggagawa ni Rosalia nararamdaman na ng majika ang kasakiman nito at nangyari ang parusa sa isang bar kasama ang kanyang mga barkada, biglang nag-iba ang ang anyo ng katawan at mukha nito sa gitna ng kasiyahan. Hindi matiis ni Rosalia ang kahihiyan at tumakbo patungo sa bahay ng matanda at doon ibinuhos niya ang kanyang galit. Hindi nagpakita ang matanda sa kanya kaya't umuwi siyang bigo. Lumipas ang ilang araw siya'y nagsisi at nagtungong muli sa matanda at humingi ng tawad. Naramdaman ulit ng matanda ang busilak nitong puso kaya't binigyan siya ng panghabang-buhay na kagandahan at binigyan ng isang basbas na siya'y tatanggapin ng lahat. Pagdating ay tinanggap na ni Rosalia ang pag-ibig ni Akil. Kaya't nang lumaon sila'y namuhay ng masaya.

Miyerkules, Nobyembre 16, 2016

KARAPATAN KO'Y NAPATAY

ni Jobert Tamala

Putok ng baril, baha ng dugo, hagulhol ng mga tao at naging laman ng mga balita sa telebisyon, radyo at mga pahayagan patungkol sa mga taong napapatay dahil sa ilegal na droga. Naging makatwiran ba ang mga ito? Sadya nga bang ito'y nakakagimbal o nakkapagpapasaya sa atin? Hanggang kailan kaya ito matatapos?

Isa sa sampung utos ng Panginoon ang "Huwag pumatay" at para sa akin hindi ito mahirap sundin sapagkat tayo'y may puso na nakakaramdam ngkonsesiya. Nagkaroon tayo ng karapatang pantao na nagsasaad na tayo ay may karapatang mabuhay at pangalagaan at pahalagahan ang sariling buhay at maging sa iba. Pero masdan mo ang mga pangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan tayo ay nababalot ng tagumpay kapalit ay ang labis na kasawian. Tagumpay dahil unti-unti nang nawawala ang mga krimen at droga sa ating bansa at labis na kasawian dahil tayo ay bigong pahalagahan ang buhay ng iba. Oo, sila ma'y may nagawang kasalanan pero naging malupit ang naigawad na hatol sa kanila imbes na ang pagkulong kamatayan ang kapalit. Hindi ang pagpatay ang solusyon kundi ang pagsugpo ng kahirapan na siyang puno't dulo kung bakit nagawa nilang magbenta ng ilegal na droga para pangtustos sa kanilang pamilya na gawain ng gobyerno. Pagkatapos mapatay ang mga taong ito paano na ang kanilang pamilya, hahayaan nalang ba silang nakabaon sa hirap hanggang sa sila'y mangalawang? paano na ang mga batang natigil sa pag-aaral? Hindi ibig sabihin na itigil ang pagpatay at ipagpatuloy ang pagbenta kundi itigil ang pagpatay at sila'y bigyan ng sapat at permanenteng trabaho.

Karapatan at klayaan natin ngayo'y nakakadena't nakakulong at kahit ang planong pag-alpas ay hindi magawa. Tanging pagbabago lamang ang kinakailangan at dasal sa makapal.

Katok tungo sa bagong buhay ni Nelly Rose Venturina 

                 Sa mga taon at panahon na nagdaan , unti-unting nagbabago ang katayuan ng ating bansa noon at ngayon . Mga bagay na nakababuti at naksaasama . Mga problema at isyung kinakaharap ng ating bansang kinabibilangan.
                Isa na rito ang isyung tinututukan ng ating bagong Presidenteng si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na pinag iigting ang kumpanya sa operasyong oplan tokhang.
Magmula ng naiupo sa pwesto si Presidente Duterte ay ipinangako niyang babaguhin niya ang takbo ng ating bansa. at sisimulan niya sa pagtapos sa ilegal na droga. malamang higit sa karamihan dito sa ating bansa ay naimpluwensyahan na ng ilegal na droga, bata man , matanda, lalaki o babae ay walang takas sa suliraning ito.kaya naman napakalaking tulong nito sa nakararami lalong lalo na sa mga users at pushers na magbagong buhay . Ang oplan tokhang ay isang malumanay na pakikiusap sa paraan ng pagkatok sa mga bahay ng mga nasa listahan ng pulisya . Kinakausap nila ang mga ito na sumuko na at magbagong buhay.Sa kasalukuyan ay umabot na ng 114,833 drug suspects ang sumuko dahil sa kadahilanan na nadala ng takot,at gusto nilang mag bagong buhay at ang iba ay may napakalaking respeto sa ating presidente. 
Isa itong paraan na naibigay sa kanila upang mabago ang kanilang kinagawian na sumira sa kani-kanilang buhay at nabigyan sila ng pag-asa mula sa madilim at pait na realidad ng ating bansa. 
Ayon kay  PNP Chief Bato Dela Rosa ipinapangako ni Presidente Rodrigo Duterte na ibinibigay nya ang kanyang kasiguraduhan sa pagsuporta sa mga pulisya at ipagpapatuloy nila kontra droga . Gagamitin nila ang lahat ng kanilang kaalaman at nalalaman upang sugpuin ng tuluyan ang ilegal na droga sa ating bansa.
               Isang napakagandang pagkakataon na naibigay sa ating bansa dahil sa wakas ay nabigyan na ng liwanag ang ating bansang dati ay nilamon na ng isyung ito.

Martes, Nobyembre 15, 2016

Resulta ng larawan para sa kahirapan sa pilipinas


"Kahirapan'

ni: Dawn Rosalia Q. Salgado

                       Sa pagsikat palang ng araw problemado kana. Dito sa 'Bayang Sinilangan" sumikat man  ang araw di parin nagkakaroon nang bagong pag-asa kahit sa pagsikat ng bagong umaga.Katulad ng mga nakaraang taon 




                                 Resulta ng larawan para sa bawal na gamot
                         

                                        BAWAL NA GAMOT ni: Annilyn Tunong


             Patay kahit kailan,bangkay kahit saan matatapos paba o habang buhay natin itong mararanasan at sa susunod na henerasyon,Mga pamilyang nawalan ng myembro batang natutulog sa labi ng kanyang mahal sa buhay na sa paggising ay pagtulog sa pag iyak iniisip kong saan pupulutin at saan muling mag sisimula ,mga magulang na naghihintay sa kanilang mga anak sa pag uwi at hindi napapagod sa pagbibigay nang aral at umiiyak ang puso na punong puno nang          pagmamahal .Mga anak na nasa lansangan na ginagawa nang lahat upang makuha ang miithiin sa buhay .Ang mga taong gumagamit nito ay hindi nagtatagal,nagkakaroon sila ng sakit at namamatay pagdating ng panahon,pati na mga kabataan gumagamit nito kahit na bawal sa kanila sinusubukan parin nila ito.Kaya ang mga kabataan ngayun nagiging bastos na nang dahil sa iniinum nila na mga bawal na gamot.

 Resulta ng larawan para sa kahirapan ay wakasan

KAHIRAPAN AY WAKASAN ni:Ella Rose Sabillo

     
   
    
       Tayong mga pilipino nahaharap sa matinding kahirapan namumuhay tayo ng salat sa mga  pangunahing pangangailangan upang mabuhay ng matiwasay.Kawalan ng sapat na trabaho ang bawat isa ang dahilan ng kahirapan,kawalan ng pansin galing sa gobyerno,dahil mas binigyan nila ng halaga ang ibang bagay at nananatili silang bulag sa isyung ito.Dahil sa           kahirapan maraming tao ang naudyok na gumawa ng masamang bagay para mabuhay.Kulang sa pagsisikap at madaling sumuko ang pangunahing dahilan ng paghihirap,pagiging tamad at pag depende sa tulong ng iba ta hindi pagtayo sa sariling mga paa.Maraming pamilya ang hindi makakain ng 3 beses sa isang araw dahil sa kahirapan,kawalan ng sapat na pagkakakitaan at kasabay nito ang pagtaas ng mga bilihin.Ang pagiging dukha ay hindi masama sapagkat wala kang tinatapakang kapwa at ginagawa ang lahat upang dito ay makawala.


Resulta ng larawan para sa basura

BASURA ni: Jessa Queen Mailwas


   Hinda na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran.
Ayon sa popular na kanta ng Asin, hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba kalaki ang kontribusyon mo sa pagkasirang ito? Karaniwan na sa kanayunan ang pagsusunog ng basura sa paligid ng bahay pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang tabi. Imbes na sunugin, ano naman ang maaari nilang gawin dito? Ibaon sa likod ng bahay para maging pataba? Paano naman ang mga basurang hindi nabubulok kaagad sa ilalim ng lupa? Saan sila itatambak? Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag-unlad ng lipunan.Sa mga tao ngayon hindi na sila marunong maglagay ng basura sa tamang lalagyan. at itoy nag dudulot ng masamang amoy.. At kaya dapat tayo mga tayo'y mga tao  ay huwag magtapon kahit saan saan upang lipuna'y mapanatili ang kasaganahan.