Basura ay iwasan Ni:Christian J. Redulla
Ano nga ba ang depinisyon ng salitang basura? Ako at ikaw, tayong lahat ay minsan ng nagtapon ng basura, mapa side walk man o mapa trashbin. Sa pag tapon natin ng balat ng candy sa daan, naisip ba natin kung saan ito napupunta? Napakaganda ng bansang pilipinas, bakit tayong pang mga pilipino ang kailangang sumira sa ating bansa? Sa isyung ito hindi lang kalikasan ang nasisira kundi pati tayong mga tao.Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usapin sa pang kalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag unlad ng isang bayan sa lipunang ating ginagalawan .Ano nga ba ang solusyon sa suliranin sa basura?? Masasagot natin ito kung maintindihan natin kung paano umusbong aNg parami ng paraming basura na nilikha natin habang patuloy din sa paglobo ng populasyon sa ating bayan. "Disiplina sa Sarili" Ang tanging solusyon sa problema sa basura. Marami kasing mga taong walang pakundangang nagkakalat at wlang displinang nagtatapon ng mga supot, basyo ng pinagkainan at upos ng sigarilyo sa paligid na kailangang mapagsabihan at ipal]iwanag ang masamang epekto to nito2, kaya ngayon palang gawin na natin kung ano ang tama at iwasan kung ano man ang maling naidudulot ng basura sa ating kapaligiran,hindi lang sa ating kapaligiran kundi sa ating kalusugan at lalong lalo nah sa ating bansa, wag na nating hintayin na dumating ang panahon na sarili nating basura ang wawasak sa atin .......
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento