CORRUPTION

Lunes, Disyembre 5, 2016

  1.  

Resulta ng larawan para sa maling gawi sa pag aaral
Maling Gawi ng Pag-aaral

Ni: Rascal Tambilawan

               Mahigit kumulang ng isang buwan na lamang ay magtatapos na naman ang isang taong pag-aaral at marahil, marami sa atin ang kailangang bumawi upang makapasa o kaya ay makamit ang inaasam na target grade. Upang magagawa ito, kinailangang nating malaman ang ating mga pagkakamali sa ating nakasanayang gawi sa pag-aaral. 
            Ang madalas na pagliban at ang pagiging huli sa klase. Ito ay isa sa mga karaniwang pagkakamali ng mga mag-aaral at hindi maiwasan. Hindi pagkopya ng leksyon at mga importanteng sinasabi ng guro. Sa kasamaang palad, marami na ngayong estudyante ang hindi kumukopya ng leksyon.Pagpaliban ng ating mga gawain hanggang sa huling minuto. Talagang mapupuna kung ang isang akttibidad ay ginawa lamang ng mabilisan sapagkat maaring may mga pagkakamali na hindi pa natin naiwasto dahil sa pagmamadali o kaya naman talagang hindi na naging maayos ang ating pagkagawa at wala na tayong panahon para ayusin ito.Mga kabiguang basahin ng maayosang panuto at ang di pagsunod dito. Dapat pakinggan ang guro habang nagpapaliwanag at kung hindi maintindihan magtanong agad upang maging tama ang gagawin.
Tandaan na ang Pag-aaral ay isang proseso. Kung ang ating gawi ay sa pag-aaral ay hindi epektibo, baguhin natin para mapabuti at mapaayos ito. Walang mag-aaral ang perpekto ngunit kapag ibibigay natin ang lahat ng ating makakaya na makapag-aral ng mas mahusay, mapapansin natin na tayo ay mas gumagaling habang tumatagal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento