CORRUPTION

Lunes, Disyembre 5, 2016

Ang Paglala ng Pre-marital Sex

ni: Almera Sumaliling

Naging sanay na tayo na mabuhay sa isang lipunang napapalibutan ng mga napapanahong isyu. Isa sa hindi maikakailang isyu sa ating lipunan ay ang Pre-marital sex ang pagtatalik na hindi pa kasal.

Sa utos ng DIYOS, ayon sa Banal na Bibliya, ang pagtatalik ay hindi isang libangan o pangsariling kasiyahan, para lamang ito sa dalawang taong mag-asawa na nag-mamahalan. Ito'y paglikha at bunga nito ay bata.

Ngunit sa panahon ngayon, nakakalungkot isipin na tayong mga anak ng DIYOS ay wala ng pakealam sa isyung ito. At tila unti-unti itong natatangap sa lipunan.

Sa huli ang naging epekto nito ay nakakababa ng moralidad, mawawala ang posibilidad na magkaroon ng isang mas mahusay o magandang kinabukasan at sa huli’y magkakasala sila sa batas at sa Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento