CORRUPTION
Huwebes, Disyembre 8, 2016
Inspirasyon ni: Denise Templa
Inspirasyon
ni: Denise Templa
Kapansanan ito ay isang sakit o minsan ay kakulangang pisikal sa isang indibidwal. Kapag naririnig ko ang salitang kapansanan, ang pumapasok sa aking isipan ay ang pangungutya, pinagtatawanan at inaapi. Nakakalungkot isipin na may mga taong hindi bukas ang isipan sa mga taong may kapansanan, ngunit sa kabila ng masasakit na mga salita na kanilang naririrnig ay patuloy pa rin silang lumalaban sa araw-araw nilang pamumuhay. Kaya para sa akin ay isa silang inspirasyon.
Mahirap ang kalagayan ng mga may kapansanan kumpara sa mga taong maswerteng isinilang na normal dahil mas limitado lang ang kakayahan nila at dahil naiiba rin ang antas ng kanilang abilidad kaya minamaliit sila ng ibang tao. Ngunit sa kabila ng kanilang kapansanan ay hindi ito naging hadlang sa kanilang mga pangarap, hindi rin ito naging hadlang upang ipagpatuloy nila ang kanilang buhay, masasabi kong mas matatag ang kanilang loob dahil sa kabila ng mga hirap na nadadaanan nila, nagagawa pa rin nilang ngumiti, tanggapin ang ibinigay ng Diyos sa kanila at higit sa lahat ang mangarap at mabuhay ng parang normal na tao. Sila ang mga taong kahit anong hirap na ang pinagdadaanan ay hinding hindi sumusuko agad. Tunay silang inspirasyon sa mga taong gusto ng sumuko. Lagi nating isipin, normal man tayo o hindi,tayo ay may layunin sa mundo.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento