CORRUPTION

Huwebes, Disyembre 8, 2016

Inspirasyon ni: Denise Templa

                       



                                                                           Inspirasyon
                                                                       ni: Denise Templa


                          Kapansanan ito ay isang sakit  o minsan ay kakulangang pisikal sa isang indibidwal. Kapag naririnig ko ang salitang kapansanan, ang pumapasok sa aking isipan ay ang pangungutya, pinagtatawanan at inaapi. Nakakalungkot isipin na may mga taong hindi bukas ang isipan sa mga taong may kapansanan, ngunit sa kabila ng masasakit na mga salita na kanilang naririrnig ay patuloy pa rin silang lumalaban sa araw-araw nilang pamumuhay. Kaya para sa akin ay isa silang inspirasyon.

                           Mahirap ang kalagayan ng mga may kapansanan kumpara sa mga taong maswerteng isinilang na normal dahil mas limitado lang ang kakayahan nila at dahil naiiba rin ang antas ng kanilang abilidad kaya minamaliit sila ng ibang tao. Ngunit sa kabila ng kanilang kapansanan ay hindi ito naging hadlang sa kanilang mga pangarap, hindi rin ito naging hadlang upang ipagpatuloy nila ang kanilang buhay, masasabi kong mas matatag ang kanilang loob dahil sa kabila ng mga hirap na nadadaanan nila, nagagawa pa rin nilang ngumiti, tanggapin ang ibinigay ng Diyos sa kanila at higit sa lahat ang mangarap at mabuhay ng parang normal na tao. Sila ang mga taong kahit anong hirap na ang pinagdadaanan ay hinding hindi sumusuko agad. Tunay silang inspirasyon sa mga taong gusto ng sumuko. Lagi nating isipin, normal man tayo o hindi,tayo ay may layunin sa mundo.

Lunes, Disyembre 5, 2016

Resulta ng larawan para sa korapsyon

                                                                KORAPSYON

                                                                NI: ROdel Ian Olimpay


                                     Ang Korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito                         ang dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga pilipino. Ito rin ang dahilan                         kung bakit karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at                                              makabagong kagamitan.

                                 Mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa                                         kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad. Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa                           na naging dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ating  mga kababayan.                           Ito ay ang mga iilan sa epekto ng korapsyon.

Resulta ng larawan para sa mga batang palaboy
MGA BATANG PALABOY

Ni: Al jane Lucas Waupan

Sabi ng iilan na "Ang Kabataan ay siyang Pag-asa ng Bayan" pero bakit humantong sa ganitong kalagayan ang mga batang ito. Dahil sa kapabayaan ng mga magulang nag kaganito ang mga kabataan
Sa gaya nila na mga bata pa ay dapat na nag-aaral. Ngunit imbes na mag-aral ay sila ay nasa lansangan sa kalye naghahanap ng pagkain. Imbes na humawak ng lapis at ballpen ang hinawakan nila ay patalim, imbes na puting damit ang susuotin ay ang damir na gusor-gusot at punit-punit. At dahil dito wala dilang kinatatakutang magnakaw ng kung ano-ano sa kalye gaya ng pagkain para lang dahil makakain sila ng tatlong beses sa isang araw.

  1.  

Resulta ng larawan para sa maling gawi sa pag aaral
Maling Gawi ng Pag-aaral

Ni: Rascal Tambilawan

               Mahigit kumulang ng isang buwan na lamang ay magtatapos na naman ang isang taong pag-aaral at marahil, marami sa atin ang kailangang bumawi upang makapasa o kaya ay makamit ang inaasam na target grade. Upang magagawa ito, kinailangang nating malaman ang ating mga pagkakamali sa ating nakasanayang gawi sa pag-aaral. 
            Ang madalas na pagliban at ang pagiging huli sa klase. Ito ay isa sa mga karaniwang pagkakamali ng mga mag-aaral at hindi maiwasan. Hindi pagkopya ng leksyon at mga importanteng sinasabi ng guro. Sa kasamaang palad, marami na ngayong estudyante ang hindi kumukopya ng leksyon.Pagpaliban ng ating mga gawain hanggang sa huling minuto. Talagang mapupuna kung ang isang akttibidad ay ginawa lamang ng mabilisan sapagkat maaring may mga pagkakamali na hindi pa natin naiwasto dahil sa pagmamadali o kaya naman talagang hindi na naging maayos ang ating pagkagawa at wala na tayong panahon para ayusin ito.Mga kabiguang basahin ng maayosang panuto at ang di pagsunod dito. Dapat pakinggan ang guro habang nagpapaliwanag at kung hindi maintindihan magtanong agad upang maging tama ang gagawin.
Tandaan na ang Pag-aaral ay isang proseso. Kung ang ating gawi ay sa pag-aaral ay hindi epektibo, baguhin natin para mapabuti at mapaayos ito. Walang mag-aaral ang perpekto ngunit kapag ibibigay natin ang lahat ng ating makakaya na makapag-aral ng mas mahusay, mapapansin natin na tayo ay mas gumagaling habang tumatagal.

Ang Paglala ng Pre-marital Sex

ni: Almera Sumaliling

Naging sanay na tayo na mabuhay sa isang lipunang napapalibutan ng mga napapanahong isyu. Isa sa hindi maikakailang isyu sa ating lipunan ay ang Pre-marital sex ang pagtatalik na hindi pa kasal.

Sa utos ng DIYOS, ayon sa Banal na Bibliya, ang pagtatalik ay hindi isang libangan o pangsariling kasiyahan, para lamang ito sa dalawang taong mag-asawa na nag-mamahalan. Ito'y paglikha at bunga nito ay bata.

Ngunit sa panahon ngayon, nakakalungkot isipin na tayong mga anak ng DIYOS ay wala ng pakealam sa isyung ito. At tila unti-unti itong natatangap sa lipunan.

Sa huli ang naging epekto nito ay nakakababa ng moralidad, mawawala ang posibilidad na magkaroon ng isang mas mahusay o magandang kinabukasan at sa huli’y magkakasala sila sa batas at sa Diyos.

Linggo, Disyembre 4, 2016

"MARCOS BURIAL"

MARCOS BURIAL
BY: SEROJALES DAVAO
Resulta ng larawan para sa marcos burial

isa sa nalagay sa talaan ng kasaysayan ng pilipinas ang pangalang FERDINAND MARCOS
dahil sa kanyang batas na ipinatupad na batas militar

kaya hanggang ngayon marami paring bagabag sa paglibing ng kanyang labi
ayon sa pamilya MARCOS kanilang ipalilibing ang labi ni marcos 
sa libingan ng MGA BAYANI subalit ang taong bayan at tutol sa hinaing ng pamilyang 
MARCOS 

ayon rin sa taong bayan na ILIGAN - Isang grupo ng mga kabataan ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Suot ang mga puting maskara at bitbit ang karatulang may nakasaulat na "Diktador si Marcos, di Bayani," ipinahayag ng grupong Liga ng Makabagong Kabataan (LMK) ang kanilang pagkadismaya sa desisyon ng Korte Suprema.
Ayon sa grupo, sumisimbolo raw ang puting maskara sa mga biktima, mga nawala at mga nakaligtas sa torture na hindi raw kinilala sa ginawang desisyon.
Hindi man daw nila naranasan ang diktaturyang Marcos, alam raw nila ang dinanas ng mga nakatatanda sa kanila.
Para mapansin ang kanilang daing, humiga ang mga miyembro ng grupo sa pedestrian lane ng mataong kalye.
Umaasa silang mapapansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinaing ng mga biktima at pakiusapan na lang ang pamilyang Marcos na ilibing nalang ang dating pangulo sa ibang lugar.
Balak rin ng grupong magsindi ng mga kandila ngayong gabi bilang paghingi ng katarungan para sa mga biktima ng rehimeng Marcos.

ILLEGAL LOGGING

ILLEGAL LOGGING IS THE REAL REASON FOR BIG FLOOD IN THE PHILIPPINES

Earlier, the corporate logging. This is big company owner, controls and users at large and modern machinery to collapse, loading, and discharge of a large timber. More-over the trees compared withdrawn its alleged illegal logging. Licensed to logging concessions in the hundred- hundred  thousand ektary forest. Categorizes this league, even beyond-beyond the set number of board feet because they kinukulimbat with permission obtained from the palm of hundreds of thousands to millions of pesos in DENR, military and others.



In the eyes of the authorities, illegal logging caused the deluge, sin cast on ordinary civilian uses chainsaw, and nascent naghihila boards. Pinawawalng blame the corporate logging, because they were legal. Let's look first know who are destroying the forest prior to answer the real cause of the deluge.



Finally, recognizing the increasing demand from governments and consumers for greater multinational transparency and accountability, the global retailers are communicating their sustainability commitments and global commodity chain greening programs through sustainability reports that document their progress toward sustainability goals. Some are using the Global Reporting Initiative (GRI) guidelines to facilitate benchmarking of their performance against the progress of other companies. Some are also hiring professional auditing firms like PricewaterhouseCoopers to conduct independent assurance assessments of the sustainability reports, so as to verify the legitimacy of the reported information and avoid accusations of corporate greenwash.


Biyernes, Disyembre 2, 2016

Ni:Christian J. Redulla: 
                    Resulta ng larawan para sa isyu sa basura at kapaligiran

                              Basura ay iwasan Ni:Christian J. Redulla 


                                              Ano nga ba ang depinisyon ng salitang basura? Ako at ikaw, tayong lahat ay minsan ng nagtapon ng basura, mapa side walk man o mapa trashbin. Sa pag tapon natin ng balat ng candy sa daan, naisip ba natin kung saan ito napupunta? Napakaganda ng bansang pilipinas, bakit tayong pang mga  pilipino ang kailangang sumira sa ating bansa? Sa isyung ito hindi lang kalikasan ang nasisira kundi pati tayong mga tao.Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usapin sa pang kalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag unlad ng isang bayan sa lipunang ating ginagalawan .Ano nga ba ang solusyon sa suliranin sa basura?? Masasagot natin ito kung maintindihan natin kung paano umusbong aNg parami ng paraming basura na nilikha natin habang patuloy din sa paglobo ng populasyon sa ating bayan. "Disiplina sa Sarili" Ang tanging solusyon sa problema sa basura. Marami kasing mga taong walang pakundangang nagkakalat at wlang displinang nagtatapon ng mga supot, basyo ng pinagkainan at upos ng sigarilyo sa paligid na kailangang mapagsabihan at ipal]iwanag ang masamang epekto to nito2, kaya ngayon palang gawin na natin kung ano ang tama at iwasan kung ano man ang maling naidudulot ng basura sa ating kapaligiran,hindi lang sa ating kapaligiran kundi sa ating kalusugan at lalong lalo nah sa ating bansa, wag na nating hintayin na dumating ang panahon na sarili nating basura ang wawasak sa atin .......